^

Metro

5 holdaper arestado

-
Limang holdaper ang naaresto ng mga barangay tanod matapos na isuplong ang mga ito ng kanilang huling nabiktima, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ang mga suspect na sina Crispin Pesimo, 26, lider ng grupo; Raymundo Rafael, 23; Francisco Pesimo, 36; Francisco Torres, 20, na pawang mga residente ng Caloocan City at Rodel Escarlan, 27, ng Malabon City.

Naaresto ang mga suspect nang agad magsumbong sa nagpapatrulyang tanod ang kanilang huling biktima na si Christian Bernal, 17, factory worker, dakong alas-11:20 ng gabi matapos holdapin at makuha sa kanya ang kanyang cellphone at P470 cash sa Dagat-Dagatan.

Naaktuhan naman ng nagrespondeng tanod ang mga suspect sa kanilang pinagtataguan na naghahatian ng mga nakulimbat mula sa kanilang mga nabiktima kung saan agad na inaresto ang mga ito at dinala sa pulisya. Nakuha rin ang mga naholdap kay Bernal. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CHRISTIAN BERNAL

CRISPIN PESIMO

FRANCISCO PESIMO

FRANCISCO TORRES

MALABON CITY

RAYMUNDO RAFAEL

RODEL ESCARLAN

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with