Death threats sa pamilya Lanot patuloy
April 22, 2005 | 12:00am
Patuloy na nakakatanggap ng death threats ang pamilya ng pinaslang na dating Pasig City Congressman Henry Lanot na pinaniniwalaang galing sa iisang grupo na nagpapatay sa huli.
Ayon sa isang source na malapit sa pamilya ni Lanot, dahil sa mga death threats na natatanggap sa pamamagitan ng text messages ay napilitang magdagdag ng security ang mga ito upang maprotektahan ang buong pamilya.
"You watch yourselves, You maybe the next to die," isa lang ito sa ipinadalang text message sa pamilya ni Lanot na ipinakita ng nasabing source.
Ang nasabing death threats ay kinumpirma naman ng panganay na anak ni Congressman Lanot na si Ken, 30 at sinabi din nitong kumuha sila ng karagdagang seguridad upang masiguro ang kaligtasan ng mga miyembro ng pamilya.
"Natatakot ako sa anumang maaaring mangyari sa aking pamilya dahil sa mga banta na natatanggap namin kaya minabuti naming magdagdag ng security", pahayag pa ni Ken.
Ayon pa sa source nagsimula ang mga pagbabanta sa kanilang buhay noong araw na ilibing si Lanot matapos na ihayag ni Ken na itutuloy nila ang iniwang laban ng kanyang ama. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended