^

Metro

3 trilyong US Federal Bank notes nasamsam

-
Arestado ang dalawang British matapos na mabigo ang mga ito na maipalusot papalabas ng bansa ang may $3 trilyong ng US Federal Bank notes sa pamamagitan ng isang international delivery service, kamakalawa ng hapon sa Makati City.

Kinilala ni NBI director Reynaldo Wycoco ang mga naaresto na sina Paul Edward John Flavell at Sam Beany, na kasalukuyang nanunuluyan sa Rm. 305 CEO Apartments sa #72 Jupiter St., Makati City.

Pinaghahanap naman ang mga kasamahan ng mga ito na kapwa rin British at nakilalang sina Zeki Mehmet Bayran at Peter H. Wittkamp.

Sa ulat ng NBI-Anti Graft Division, isang tawag ang kanilang natanggap mula sa DHL Phil. International Cargo Forwarder kaugnay sa naka-pending na shipment ng dalawang dayuhan na sina Flavell at Beany na hinihinala nilang mga ilegal dahil sa nakalagay sa isang steel box.

Kasama ang ilang opisyal ng US Embassy agad na ininspeksyon ang naturang kargamento kung saan nakumpirma na pawang mga pekeng US Federal Bank notes ang laman nito na aabot sa halagang tatlong trilyong dolyar.

Nabatid pa na ipapadala sana ito sa Zurich Freilager sa Switzerland.

Hinihinala ngayon ng NBI na isang malaking sindikato na gumagawa ng mga pekeng dolyares at bank notes ng Estados Unidos ang kumikilos sa Pilipinas na pinamumunuan ng mga dayuhan. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANTI GRAFT DIVISION

DANILO GARCIA

ESTADOS UNIDOS

FEDERAL BANK

INTERNATIONAL CARGO FORWARDER

JUPITER ST.

MAKATI CITY

PAUL EDWARD JOHN FLAVELL

PETER H

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with