Saksi sa Lanot slay peke
April 21, 2005 | 12:00am
Isang peke na tangkang manggulo lamang sa imbestigasyon ng kaso ng napaslang na dating Congressman Henry Lanot ang isang lalaki na nagtungo kamakalawa sa National Bureau of Investigation (NBI) upang magbigay ng kanyang testimonya sa krimen.
Ayon sa isang opisyal ng NBI, hindi na nila kinukonsidera ngayon na testigo at sa halip ay sasampahan pa ngayon ng kasong obstruction of justice si Philippine Army Staff Sergeant Anthony Tadiwan, residente ng Champaca Ext., Capri, Novaliches, Quezon City.
Nabuko umano ang pekeng saksi nang isailalim sa paulit-ulit na interogasyon at nang ayaw nitong pirmahan ang kanyang salaysay. Hindi naman sinabi ng source kung isinailalim pa sa "polygraph" o lie detector test si Tadiwan.
Ginugulo lamang umano nito ang tinatahak na anggulo ngayon ng NBI na posibleng pulitika ang ugat ng pagpaslang kay Lanot matapos na sabihin nito na isang Chinese-looking na lalaki na alyas "Ben Intsik" ang nag-utos sa kanya at lima pang kasamahan na paslangin si Lanot. Sinabi nito na nagsilbi siyang look-out lamang sa krimen.
Hindi naman nito sinabi kung sino ang tao na nag-utos sa kanya upang lumantad at manggulo sa imbestigasyon dahil sa sariling kusa lamang niya dahil sa nais na magpa-interview sa media.
Pinaniniwalaan ngayon ng NBI na isang malaking personalidad ang sangkot sa krimen dahil sa isang intelligence officer si Tadiwan sa Philippine Army matapos na magpakita ito ng identification card at mission order. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am