Sunog sa Binondo: 9 patay
April 21, 2005 | 12:00am
Siyam katao kabilang ang limang miyembro ng isang pamilyang Tsinoy ang nasawi sa naganap na 12 oras na sunog sa tinitirhan nilang gusali, kahapon ng madaling araw sa Binondo, Maynila.
Nasawi sa insidente ang mga miyembro ng pamilya Chua na sina Ely, 58; ang asawa nitong si Tessie, 52 na may ari ng Eliong residential/commercial building na nasa 589 Quintin Paredes St., Binondo; ang kanilang mga anak na sina Edralyn, 28; Elizalde, 25, at Erika, 16.
Isang helper naman na nakilalang si Benedict Custodio ang nasawi rin sa insidente, habang ang tatlo pang katulong na hindi pa alam ang pangalan ay hindi rin nakaligtas sa malagim na insidente.
Samantala, masuwerte namang nakaligtas at ginagamot sa Philippine General Hospital sanhi ng tinamong 3rd degree burn ang dalawa pang katulong na sina Luisita Ceriales, 38 at Myrna Pizzaro, 42.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Manila, nagsimula ang sunog dakong alas-2:37 ng madaling-araw sa unang palapag ng gusali kung saan doon nakaimbak ang mga plastic materials na mga laruan na kanilang tinda.
Mabilis na kumalat ang apoy sa iba pang palapag ng gusali kung saan umabot hanggang sa ikalimang alarma ang sunog.
Mabilis na nagresponde ang mga kagawad ng pamatay-sunog ngunit nahirapan ang mga ito na apulain ang apoy dahil sa sobrang sarado ang naturang gusali dahil na rin sa mga steel grill at mga naka-lock na fire exit.
Nabatid na ang ikalimang palapag ng gusali ang ginagamit ng pamilya Chua habang natutulog naman sa ibang palapag ang mga katulong.
Nagawa pa umanong makatawag sa cellphone ng helper na si Custodio sa kanyang kapatid na humihingi ng saklolo ngunit naputol rin ito.
Dakong ala-1:45 ng hapon ng ganap nang maapula ang apoy.
Ikinatuwiran naman ni Supt. Pablo Cordeta na nahirapan silang pasukin ang loob ng gusali dahil sa kinailangan pa nilang putulin ang mga bakal na grill at wasakin ang mga pinto.
Sa isinagawang clearing operation natagpuan ang mga labi ng mga biktima.
Hindi pa matiyak kung ano ang pinagmulan ng sunog. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest