2 'tulak' patay sa shootout
April 17, 2005 | 12:00am
Dalawa katao na hinihinalang drug pusher ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Central Police District-Drug Enforcement Unit sa Quezon City.
Hindi na umabot nang buhay sa Quezon City General Hospital dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan ang mga suspect na sina Cosain Tocalo Saparo, tubong Purok Danao at Digkila-An, kapwa naninirahan sa Armstrong Villas Moonwalk Subd., Parañaque City.
Una rito, tumawag ang mga residente sa tanggapan ng CPD Station 4 hinggil sa dalawang drug pusher na pumasok sa Muslim compound sa may Sarmiento St., Brgy. Sta. Monica, Novaliches.
Pasado alas-7 ng gabi kamakalawa nang salakayin ng mga awtoridad ang lugar para sitahin sina Saparo at Digkila-An.
Sa halip na sumuko agad na bumunot ng baril ang mga suspect at pinaputukan ang mga awtoridad na naging dahilan upang gumanti ang huli.
Nabawi sa dalawang suspect ang dalawang kalibre .38 baril na paltik, mga gramo ng shabu at mga shabu paraphernalias.
Ayon sa pulisya, matagal na nilang minamanmanan ang dalawang suspect bunga na rin ng mga reklamo ng mga magulang sa compound sa pagkalulong ng kanilang mga anak sa droga. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest