Lalaki tinodas ng bayaw dahil sa kaning-lamig
April 16, 2005 | 12:00am
Isang lalaki ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang bayaw dahil lamang sa kaning-lamig, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Namatay noon din sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang biktimang si John Butch Reyes, ng Delgado St., BF Homes Subdivision, Brgy. Holy Spirit ng nasabing lungsod, habang inihahanda naman ang kaso laban sa kanyang bayaw na si Edilbur Soliven, 55, bayaw ng biktima.
Batay sa imbestigasyon ng Central Police District-Criminal Investigation Unit naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa bahay mismo ng biktima.
Ayon sa ulat, nauna nang sinabihan ng suspect ang biktima na huwag nang magsaing at kaning-lamig na lamang ang kanilang kakainin.
Hindi naman sinunod ng biktima ang bayaw na suspect at nagsaing pa rin ito ay ipinakain sa aso ang kaning-lamig.
Nagalit ang suspect at kinompronta ang biktima na naging dahilan ng mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng yantok ang biktima at ipinalo sa suspect. Nakahagilap naman ng patalim ang suspect at inunday ng saksak sa biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest