^

Metro

3 nagpaputok sa mga media men sumuko

-
Sumuko kahapon sa Western Police District (WPD) ang tatlong barangay tanod na Muslim na kabilang sa mga walang habas na nagpaputok ng baril upang takutin ang mga miyembro ng media na nagko-cover sa isang press conference sa loob ng Islamic Center sa Quiapo, Maynila kamakailan.

Nakilala ang mga sumuko na sina Hadji Ali Lucman, Weng Macbato at Hadik Malik-Nanak na nahaharap sa mga kasong illegal possession of firearms, alarm and scandal at threats sa Manila Prosecutor’s Office.

Samantala, patuloy namang nagmamatigas sa mga awtoridad ang mga kinasuhan ding sina Brgy. Chairperson Bae Norhaina Lucman, ng Brgy. 648 Zone 67 District 6 at asawa nitong si Ret. Col. Macacuna Lucman.

Matatandaan na walang habas na nagpaputok ng mga armas na M-16 rifle at kalibre .45 baril ang mga suspect sa kalagitnaan ng iringan ni Col. Lucman at mga mamamahayag sa ipinatawag na pulong balitaan ng Muslim Peace and Order Council noong Martes.

Tinututukan ngayon ng mga imbestigador ang posibilidad na inutusan ng mag-asawang Lucman ang tatlong sumuko na magpaputok sa ere upang takutin at itaboy ang mga mamamahayag. (Ulat nina Danilo Garcia at Gemma Amargo Garcia)

vuukle comment

BRGY

CHAIRPERSON BAE NORHAINA LUCMAN

DANILO GARCIA

GEMMA AMARGO GARCIA

HADIK MALIK-NANAK

HADJI ALI LUCMAN

ISLAMIC CENTER

LUCMAN

MACACUNA LUCMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with