Ayon kay Maza, isang katapangan sa panig ni Asis ang ginawa nitong paglantad at maaari aniya siyang tularan ng iba pang kababaihan na nagkaroon nang kaparehong karanasan. Lubha na aniyang nakakairita ang patuloy na pang-aabuso sa mga kababaihan na minsan ay ginagawa pa ng ilang sikat na tao o pulitiko.
Idinagdag pa ni Maza na dapat parusahan si Revillame kung mapapatunayan ang kasong isinampa laban sa kanya.
Idinagdag pa nito na walang dapat ikatakot ang mga kababaihan kung sa pakiramdam nila sila ay namolestiya dahil may batas namang magpaparusa sa nasabing krimen. (Ulat ni Malou Rogalerios)