^

Metro

Tigil-pasada uli sa Lunes

-
Isang malawakang tigil-pasada ang nakatakdang pangunahan ng tinaguriang ‘Big 4’ ng transport groups sa darating na Lunes (Abril 18).

Kabilang sa lalahok sa itinakdang tigil-pasada ay ang PISTON, FEJODAP, ALTODAP at PCDO-ACTO.

Ayon kay Mar Garvida, national president ng PISTON na hindi na nila hihintayin pa ang sagot ng LTFRB hinggil sa hiling nilang P1.00 provisional increase sa pasahe sa jeep at sisimulan na nila ang aksyon sa kalsada.

Napagkasunduan ng iba’t ibang transport groups na magsagawa ng malawakang welga upang iparinig sa pamahalaan ang matinding pagkondena nila sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina.

Hihilingin din nila ang pagbuwag sa oil deregulation law na siyang umanong ugat ng lahat ng kahirapan ng maraming maliliit na mamamayan sa kasalukuyan. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ABRIL

ANGIE

AYON

CRUZ

HIHILINGIN

ISANG

KABILANG

MAR GARVIDA

NAPAGKASUNDUAN

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with