^

Metro

4 holdaper dedo sa shootout

-
Apat na hinihinalang holdaper na kinabibilangan ng isang pulis at isang traffic enforcer ang nasawi makaraang makipagbarilan sa mga kagawad ng Central Police District sa magkasunod na insidente ng holdapan na naganap sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Namatay noon din sa lugar na pinangyarihan ng insidente sina PO3 Leo Palisoc, 43, na nakatalaga sa PNP General Hospital sa Camp Crame at si Nazareno Pamones, isang traffic enforcer na nakatalaga naman sa Department of Public Safety Traffic Management (DPSTM) ng Caloocan City sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng baril sa katawan.

Batay sa isinumiteng ulat ni Supt. Franklin Mabanag, hepe ng Novaliches Police Station ng Central Police District, dakong ala-1:15 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa tapat ng #1081 Quirino Highway, Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City.

Bago naganap ang engkuwentro, hinoldap nina Palisoc, Pamones at isang hindi pa nakikilalang suspect ang isang fish vendor na si Danny Laque, 20, ng Susana Market, Novaliches.

Matapos makuha ang pakay ay tumakas ang mga suspect at sumakay sa Don Mariano Bus habang mabilis namang nagreport sa mga awtoridad ang biktima.

Hinabol naman ng mga pulis ang mga suspect at nang maabutan ay nagkaroon ng pagpapalitan ng putok sa magkabilang panig na ikinasawi ni Palisoc at Pamones, habang nakatakas naman ang isa pa nilang kasamahan.

Sa isa pang insidente ng holdap ay naganap dakong alas-2:45 ng madaling-araw na dito nasawi ang dalawa sa limang holdaper matapos makipagpalitan ng putok ng baril sa mga awtoridad sa may Commonwealth Avenue malapit sa may St. Peter Cathedral.

Wala pang pagkakakilanlan sa mga nasawing suspect subalit ito ay tinatayang nasa pagitan ng 30-35 anyos, nakasuot ng maong pants at t-shirt. Tatlo pa sa kanilang mga kasamahan ang nakatakas.

Ayon sa ulat, hinoldap ng mga suspects ang isang pampasaherong jeep na biyaheng Quiapo-Fairview.

Papatakas na ang mga ito nang maispatan ng mga awtoridad sa may St. Peter Church na doon nakipagpalitan ng putok ng baril sa mga tauhan ng pulisya. Dalawa sa mga suspects ang nasawi.

Sa kasalukuyan nagsasagawa pa ng manhunt operation ang mga awtoridad para sa ikadarakip ng mga nakapugang suspects. (Ulat ni Doris Franche)

CALOOCAN CITY

CAMP CRAME

CENTRAL POLICE DISTRICT

COMMONWEALTH AVENUE

DANNY LAQUE

DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY TRAFFIC MANAGEMENT

DON MARIANO BUS

DORIS FRANCHE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with