^

Metro

4 Esperat slay, timbog

-
Apat na suspect sa pagpaslang sa kolumnistang si Marlene Esperat ng Sultan Kudarat ang nahulog na sa kamay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kasabay nito, tinukoy na rin ni NBI director Reynaldo Wycoco ang utak sa krimen na sina Sumail Sekkak, dating regional director ng DA sa Central Mindanao at ang misis nito na dati namang opisyal sa DSWD.

Nakilala ang mga nadakip na sina Estanislao Besman; Jake Cabaya; Owe Bancare na sinasabing siyang hitman ni Esperat at ang lookout na si Randy Grecia.

Nabatid na nauna nang sumuko sa mga tauhan ng General Santos Police Station si Grecia na siyang nagbunyag ng mga pangalan ng mga sangkot sa kaso.

Pangunahing motibo umano sa pagpatay kay Esperat ay ang ginawa nitong mga banat sa kanyang kolum sa Midland Review at pagsasampa ng kasong graft laban sa mag-asawang Sekkak na naging sanhi sa pagkasibak sa kani-kanilang mga posisyon. (Ulat ni Danilo Garcia)

CENTRAL MINDANAO

DANILO GARCIA

ESPERAT

ESTANISLAO BESMAN

GENERAL SANTOS POLICE STATION

JAKE CABAYA

MARLENE ESPERAT

MIDLAND REVIEW

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

OWE BANCARE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with