^

Metro

P10 milyon tupok sa Valenzuela fire

-
Aabot sa P10 milyon halaga ng ari-arian at materyales na nakaimbak sa isang warehouse ng isang plastic factory ang natupok ng apoy sa sunog na tumagal ng mahigit sa anim na oras, kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Base sa ulat ng Valenzuela Fire Department, dakong alas-2:20 ng madaling-araw nang magsimulang magliyab ang Sinkon Plastic Products na pag-aari ng isang Dennis Co na matatagpuan sa Hulo St., Brgy. Bignay ng nasabing lungsod.

Sa naging pahayag ng ilang residente, nag-umpisa ang apoy sa may bubungan ng plastic factory matapos na makarinig ng mga pagsabog at pag-spark ng kuryente sa isang poste sa tabi ng nasabing pagawaan.

Dahil sa mga plastic materials na nakaimbak sa nasabing pabrika kaya’t mabilis na kumalat ang apoy kung saan gumamit pa ang mga bumbero ng espesyal na likido upang ito ay ganap na maapula dakong alas-8:22 ng umaga.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga arson investigator kung totoong short circuit ang pinagmulan ng sunog.

Wala namang napaulat na nasaktan at namatay sa naganap na sunog. (Ulat ni Rose Tamayo)

AABOT

BIGNAY

BRGY

DAHIL

DENNIS CO

HULO ST.

ROSE TAMAYO

SINKON PLASTIC PRODUCTS

VALENZUELA CITY

VALENZUELA FIRE DEPARTMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with