^

Metro

Sekyu tigok sa kapwa sekyu

-
Binaril hanggang sa mapatay ang isang guwardiya ng kapwa nito security guard matapos magtalo ang dalawa dahil nagalit ang huli sa umano’y panggugulang sa duty ng una kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Patay na nang idating sa ComCare Clinic ang biktimang si Arsenio Verdan, 31, may-asawa ng Matikas Security Agency at residente ng Poblacion, Sec. I, 183, General Trias, Cavite. Nagtamo ito ng tatlong tama ng bala sa katawan buhat sa kalibre .38 baril.

Tumakas naman kaagad ang suspect na si Adriano Duca "alyas Ader" ng nabanggit na agency at nakatira sa Santos Compound, Better Living Subdivision, Brgy. Don Bosco, Parañaque City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:40 ng gabi sa main gate ng Peru St., ng nabanggit na subdivision.

Kasalukuyang naka-duty ang biktima kasama ang isa pang guwardiya ng lumapit dito ang suspect at kinompronta ang biktima.

Nagalit ang suspect sa umano’y panggugulang sa duty ng biktima hanggang sa magtalo ang mga ito na nauwi sa pamamaril ng suspect sa biktima, na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ADER

ADRIANO DUCA

ARSENIO VERDAN

BETTER LIVING SUBDIVISION

DON BOSCO

GENERAL TRIAS

LORDETH BONILLA

MATIKAS SECURITY AGENCY

PERU ST.

SANTOS COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with