FX driver, 1 pa timbog sa panghoholdap
April 11, 2005 | 12:00am
Minsan pang napatunayan ang pagiging epektibo ng 117 nang madakip ng Central Police District-Kamuning Police Station ang isang FX driver at kasamahan nito matapos na holdapin ang kanilang pasahero sa Quezon City.
Kinilala ni Supt. Alfred Corpus, hepe ng CPD-Kamuning Station ang mga suspect na sina Benjamin Ariba, Jr., driver at Marlon Dacanay.
Nabatid na dakong alas-8:30 ng gabi kamakalawa ng maganap ang insidente habang sakay ang biktimang si Chermaine Muro ng FX taxi na may plakang TXB-150 na patungong España nang biglang magdeklara ng holdap ang mga suspect at tutukan ng patalim ang biktima.
Kinuha ng mga suspect ang mga mahahalagang gamit ni Muro at inutusan itong bumaba ng FX at saka mabilis na tumakas.
Ayon kay Corpus, ang pagkakadakip sa dalawa ay bunsod na rin ng tawag ng biktima sa 117 na may naganap na panghoholdap sa E. Rodriguez Ave. sa nasabing lungsod.
Sinabi ni Corpus na agad niyang inalerto sina PO3 Erlindo Orosco at P01 Eugenio Naganag na nooy nagpapatrolya.
Namataan ng mga pulis ang mga suspect hanggang sa makorner ito sa Tomas Morato St. at mabawi ang mga personal na gamit ni Muro.
Samantala, naaresto din ng mga tauhan ni Supt. Raul Petrasanta, hepe ng CPD-Baler Police Station, ang suspect na si Exequiel Sevilla Alcarion, 21 pedicab driver at residente ng Gana Compound, Q.C. nang agawin nito ang cellphone na Nokia 6650 ng biktimang si Charillyse Mundiro, 25 dakong alas-11:35 ng tanghali.
Nabatid na naglalakad ang biktima malapit sa North EDSA nang biglang agawin ng suspect ang cellphone nito. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest