^

Metro

Tsinoy, tumalon sa 29th flr. patay

- Danilo Garcia -
Pinaniniwalaang sinaniban ng masamang espiritu ang isang Tsinoy na Overseas Filipino Worker (OFW) makaraang tumalon sa ika-29 na palapag ng tinitirhang gusali, sa Binondo, Maynila.

Sabog ang ulo at nagkalat ang utak ng biktimang si David Youn, 38, ng China Steel Tower Bldg. sa Binondo, ng nabanggit na lungsod.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na dakong alas-7:30 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa naturang gusali.

Ayon kay Ramon Lazaro, kapatid ng biktima, kararating lamang ng biktima mula sa Taiwan nang kinakitaan nila ito ng kakaibang kilos kabilang ang panlilisik ng mga mata nito at hindi mapigilang pagwawala kung kaya’t napilitan silang igapos ito.

Nabatid na dahil sa pagwawala nito, ipinasya nilang ipasok sa Unit 601 ng 6th floor sa gusali ang biktima subalit nakawala ito at nagtatakbo patungong rooftop kung saan mula doon ay biglang lumundag na nagresulta sa agad nitong kamatayan.

Hindi naman nila agad nahabol ang biktima.

Wala namang masabing dahilan ang pamilya ng biktima kung bakit naging kakaiba ang kilos nito simula ng dumating sa bansa.

Gayunman, nagsasagawa pa rin ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang malaman kung may foul play sa insidente.

vuukle comment

AYON

BINONDO

CHINA STEEL TOWER BLDG

DAVID YOUN

GAYUNMAN

LUMILITAW

MAYNILA

NABATID

OVERSEAS FILIPINO WORKER

RAMON LAZARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with