Sa pagsisiyasat ni SPO4 Juanito Fabre ng QC Hall Police Detachment, isinagawa ang entrapment matapos na magreklamo ang biktimang si Cynthia Lucasan, may-ari ng C2 Handicraft laban kay Anacleto Mañalac, Revenue Examiner.
Batay sa liham ni Lucasan kay QC Mayor Feliciano Belmonte, Abril 7, nang magtungo sa shop ng biktima ang suspect upang tumingin ng mga souvenir products para sa anak na ikakasal.
Matapos ang ilang araw, muling bumalik ang suspect sa biktima na dala ang Letter of Authority at nag-uutos dito na magpunta sa opisina sa QC Hall at dalhin ang mga kaukulang business documents.
Nagtungo naman si Lucasan sa opisina ni Mañalac kung saan siningil siya nito ng P10,000 subalit P1,500 lamang ang idedeklara sa kanyang resibo. Sinabihan na lamang siya ni Manalac na bibigyan siya ng letter of confirmation.
Nakipagkasundo ang biktima sa suspect subalit minabuti na rin ng una na makipag-ugnayan sa pulisya kung saan dakong ala-1:30 ng hapon nang isagawa ang entrapment. Nabawi naman sa biktima ang 10 piraso ng tig-P1,000 bill, letter of confirmation at resibo na may halagang P1,339.60 na lumilitaw na binayaran ni Lucasan.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Art. 210 o Direct Bribery at Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Nakakulong naman sa CPD-City Hall Detachment ang suspect. (Ulat ni Doris Franche)