^

Metro

Dalaga ginawang sex slave ng tiyo at pinsan

-
Dala ng kanyang pagdadalantao, nabunyag ang insidente ng halinhinang panggagahasa sa isang 18-anyos na dalaga sa Quezon City.

Ang biktima na itinago sa pangalang Sonia ay 4-na-buwan nang buntis kung kaya’t nadiskubre ang halinhinang panggagahasa dito ng tiyuhing si Cipriano Morales, 45; at pinsang si Mario Basubay, 20.

Sa pahayag ng biktima kay PO3 Lilibeth Aguilar ng Novaliches Police Station, una siyang hinalay ni Morales noong Nobyembre sa kanilang bahay sa Nicasio St., Villareal Subd., Brgy. Gulod, Novaliches.

Makaraan ang ilang araw, sumunod namang gumahasa sa kanya ang pinsang si Basubay. Mula noon ay paulit-ulit na siyang ginahasa ng dalawa.

Dala naman ng matinding takot, hindi nagawang magsumbong ng biktima sa ina hanggang mapansin ang unti-unting paglaki ng tiyan nito.

Dito na sinabi ng biktima ang ginawang panghahalay sa kanya ng dalawang suspect.

Sinabi ng pulisya na isinampa na nila ang kasong rape sa korte. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BASUBAY

CIPRIANO MORALES

DALA

DORIS FRANCHE

LILIBETH AGUILAR

MARIO BASUBAY

NICASIO ST.

NOVALICHES POLICE STATION

QUEZON CITY

VILLAREAL SUBD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with