^

Metro

Parking boy patay sa sekyu

-
Patay ang isang parking boy matapos na pagbabarilin ng isang sekyu na tangkang kumuha ng kanyang kinita sa pagbabantay sa mga nakaparadang sasakyan sa harap ng isang restaurant, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa Capitol Medical Center ang biktimang si Elmer Macauyam, 17, ng San Roque 11, Brgy. Bagong Pag-asa ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Kasalukuyan namang nakakulong sa Central Police District Criminal Investigation Unit (CPD-CIU) ang suspect na si Artemio Esto, 48, ng Interior Inquada St., Sta. Cruz, Manila.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi sa harap ng Mr. Kabab na nasa panulukan ng Quezon Avenue at West Avenue sa Quezon City.

Ayon sa ilang nakasaksi, pinapaalis umano ng guwardiyang si Esto ang biktima sa harap ng restaurant at pilit na kinukuha ang kinita nito sa pagbabantay sa mga kaparadang sasakyan sa harap ng restaurant.

Dahil dito ay nagtalo ang dalawa hanggang sa sugurin ng patalim ng biktima ang suspect na mabilis namang nakabunot ng kanyang service firearm at ilang ulit binaril ang biktima.

Agad namang nadakip ng mga awtoridad ang suspect matapos ang insidente. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ARTEMIO ESTO

BAGONG PAG

CAPITOL MEDICAL CENTER

CENTRAL POLICE DISTRICT CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DORIS FRANCHE

ELMER MACAUYAM

INTERIOR INQUADA ST.

MR. KABAB

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with