Pulis nagbaril sa harap ng misis at kalaguyo
April 9, 2005 | 12:00am
Nagpakamatay ang isang pulis-Maynila sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa harap mismo ng kanyang asawa at kalaguyo, makaraan ang isang iskandalo at maguluhan ang una kung sino ang pipiliin sa dalawang babae, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Agad na nasawi ang biktima na si PO1 Jonathan Lazaruz Ramilo, 31, nakatalaga sa District Intelligence and Investigation Division ng WPD at residente ng PDS PNP Housing, Ususan, Taguig City.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:10 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa 149 Tivera St., Baesa, Sta. Quiteria, Caloocan City sa loob mismo ng bahay ng kalaguyo at ka-live in nito na si Mary Jane Calixto, 28.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Alberto Eustaquio, may hawak ng kaso na bago nangyari ang pagpapatiwakal ng pulis ay una na itong sinugod ng kanyang misis na si Lyndia Ramilo, 27, kung saan ay nahuli nito sa akto ang mister at ang kalaguyong si Calixto na magkapiling.
Nagkaroon ng mainitang komprontasyon at para hindi na humaba ang nagaganap na iskandalo ay pinapili ng misis ng pulis ang nasawi kung sino ang tunay nitong mahal at pakikisamahan.
Hindi nakakibo ang pulis na tila naguluhan sa sitwasyon kaya imbes na sagutin ang tanong ng asawa ay kinuha nito ang kanyang service pistol at sa harap ng asawa at ka-live-in ay isinubo ang dulo nito at saka pinaputok.
Kapwa naman natulala ang dalawang babae sa nasaksihan lalo pa nga nang sumabog ang ulo ng pulis dahil sa ginawang pagpapakamatay.
Gayunman, kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa insidente upang tiyaking walang naganap na foul play sa pagkasawi ng pulis. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest