Binata kinatay dahil sa droga, kaibigan kritikal
April 8, 2005 | 12:00am
Nasawi ang isang 22-anyos na binata habang kritikal naman sa pagamutan ang matalik nitong kaibigan makaraang pagtulungang igapos at pagsasaksakin ang mga ito ng limang magkakamag-anak dahil sa onsehan sa bentahan ng droga, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga saksak sa ibat ibang parte ng katawan ang biktimang si Emerso Abondale, ng #661 San Pascual, Obando, Bulacan, habang kasalukuyan namang inoobserbahan sa nabanggit na pagamutan si Nestor Malonzo, 50, kapitbahay ng una sanhi ng malalim na laslas ng patalim sa leeg at saksak sa dibdib nito.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa grupo ni Cayron "Delani" Orandi, tubong-Marawi City at sa apat pa nitong mga kamag-anak na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.
Sa nakalap na impormasyon mula kay P/Sr. Supt. Leo Garra, hepe ng Caloocan City Police, dakong alas-2 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa loob ng inuupahang bahay ng mga suspect sa Phase 1, Package 1, Block 17, Lot 12, Bagong Silang, Caloocan City.
Nabatid na nilustay umano ng dalawang biktima ang P25,000 na kanilang kinita sa bentahan ng shabu na dapat sana ay pambayad ng mga ito sa grupo ni Orandi na naging dahilan upang magalit umano ang mga suspect.
Nang komprontahin umano ng grupo ni Orandi ang mga biktima kung nasaan ang pera na kanilang kinita ay walang naipakita ang mga ito kaya agad silang iginapos ng mga suspect at pinagtulungang pagsasaksakin. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended