Paslit hinostage ng ex-lover ng ina
April 7, 2005 | 12:00am
Nailigtas ng mga kagawad ng Western Police District (WPD) ang isang 6-anyos na batang lalaki matapos na i-hostage ng dating ka-live-in ng ina nito sa loob ng isang motel, kahapon ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.
Nakaditine ngayon sa WPD Station 3 ang suspect na si Marcelino Pitugo, 29, tubong Bacolod City.
Sa ulat ng pulisya, nabatid na nag-check-in sa loob ng Nice Hotel sa CM Recto Avenue sa Sta. Cruz noong nakaraang Martes sina Pitugo at Elizabeth Clavella, 26, kasama ang batang si Izza Ureah Tuff, anak ni Elizabeth sa isang Amerikano.
Dumating sa bansa ang mag-inang Clavella buhat sa Washington, USA nang aksidenteng magkita sila ng kanyang dating ka-live-in na si Pitugo, isang seaman.
Dakong alas-6:30 ng umaga kahapon nang magwala si Pitugo na armado ng isang Swiss knife at hinostage ang batang si Tuff. Nagbanta ang suspect na sasaksakin ang bata makaraang mabatid na tuluyan na siyang iiwanan ng ina nito.
Agad namang nagresponde ang mga pulis kung saan nakipagnegosasyon sa suspect.
Matapos ang may 30 minutong pag-uusap nakumbinsi ng mga awtoridad na sumuko ang suspect at bitawan ang kanyang hostage.
Sinabi ng suspect na mahal pa rin umano niya si Clavella at ayaw niyang pabalikin ito sa Amerika kaya ipinanakot niya ang panghohostage sa bata. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended