^

Metro

2 holdaper patay sa shootout

-
Dalawang holdaper na kapwa miyembro ng "Batang Hamog Gang" ang iniulat na nasawi makaraang makipagbarilan sa mga kagawad ng pulisya, kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Isa pa lamang sa dalawang nasawing suspect ang nakikilala, ito ay si Marlon Bastida, 21, ng 32-A Committee Area C, Talanay, Batasan Hills, Quezon City. Ang isa pang kasamahan nito ay may tattoo na ‘Sputnik’ sa likuran.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling-araw sa isang eskinita sa may M.L. Quezon St., Brgy. Lower Bicutan, Taguig City.

Nabatid na habang nagpapatrulya ang mga kagawad ng Taguig City Police sa nabanggit na lugar nang mamataan ang dalawang suspect na may kahina-hinalang kilos.

Sinita ito ng mga pulis dahilan upang paulanan ng mga ito ng putok ng baril ang mga awtoridad.

Napilitang gumanti nang pagpapaputok ang mga pulis kung saan tinamaan ang dalawang suspect dahilan ng agaran nilang kamatayan.

Sa rekord ng pulisya, nabatid na ang dalawa ay sangkot sa ilang serye ng nakawan sa nabanggit na lungsod.

Samantala sa Quezon City, dalawa katao ang nasawi, habang isa pa ang nasugatan makaraang holdapin ang isang computer shop dito.

Namatay ang isa sa mga holdaper na nakilalang si Joseph Maningo, 30, at ang biktimang si Bryan Polinar, 24, binata machine operator ng 3 Susano Road, Brgy. Novaliches, Quezon City at kostumer sa hinoldap na computer shop.

Nasugatan din ang isa pang suspect na si Alex Tamayo, 21.

Ayon sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang pasukin at holdapin ng mga suspect ang Net Guide Computer Hauz na matatagpuan sa Brgy. San Agustin, Novaliches.

Ayon sa pulisya, nanlaban umano ang may-ari ng computer shop na si Feliforde Sandico at tumulong na rin ang mga kostumer nito dahilan upang magpaputok ng baril ang suspect na si Tamayo.

Sa ginawa nitong pagpapaputok tinamaan ang kasamahan nitong si Maningo at ang kostumer na si Polinar na kapwa nasawi.

Bugbog sarado naman sa taumbayan ang suspect na si Tamayo nang pagtulung-tulungang bugbugin ito. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Angie dela Cruz)

vuukle comment

A COMMITTEE AREA C

ALEX TAMAYO

AYON

BATANG HAMOG GANG

BATASAN HILLS

BRGY

BRYAN POLINAR

QUEZON CITY

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with