Sumaway sa maingay, patay
April 6, 2005 | 12:00am
Patay ang isang 25-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng kanyang kapitbahay na sinaway niya sa pag-iingay habang nag-iinuman, kahapon ng madaling araw sa Marikina City.
Hindi na umabot ng buhay makaraang isugod sa Gonzales Hospital sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala ng baril sa dibdib ang biktimang si Renato Bonifacio, ng Balubad St., Brgy., Nangka ng nasabing lungsod.
Agad namang naaresto ng taumbayan ang suspect na si Jolante Llanazas, 40, kapitbahay ng biktima.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling araw habang nakikipag-inuman ang suspect kasama ang ilang kapitbahay sa loob ng bahay nito.
Dahil sa kalasingan ay naging malakas ang kuwentuhan at tawanan na ikinairita ng biktima na galit na lumabas ng kanyang bahay at sinigawan ang mga nag-iinom dahil sa naiistorbo ang kanilang pagtulog.
Minasama ng suspect ang sinabi ng biktima kaya agad na tumayo ito sa inuman bitbit ang baril at nilabas sa kalsada ang biktima sabay pinaputukan ng dalawang ulit.
Bumulagta na lamang ang biktima habang agad namang nadakip ang suspect. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended