Kinilala ni NBI director Reynaldo Wycoco ang nadakip na si Gaudencio Flores Jr., 65, ng Lazaro St., Project 8, Quezon City.
Ayon kay Anti- Fraud and Computer Crimes Division chief, Atty. Efren Meneses na nadakip si Flores sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Francis Gachitorena noon pang 1989.
Nahaharap ang suspect sa kasong falsification of public documents at estafa.
Naaresto ito kamakailan sa loob ng kanyang bahay matapos ang 18-taong pagiging wanted sa batas. (Ulat ni Danilo Garcia)