P2.50 dagdag singil sa pasahe igigiit ng transport groups
April 6, 2005 | 12:00am
Muling igigiit ng grupo ng transportasyon ang hirit nilang P2.50 dagdag pasahe sa mga pampasaherong jeep.
Kaugnay nito, nagkaisa sina Zeny Maranan ng FEJODAP, Efren de Luna ng PCDO-ACTO; Boy Santos ng ALTODAP at Mar Garvida ng PISTON na iharap ang kanilang petisyon sa LTFRB na P2.50 dagdag pasahe sa jeep sa unang apat na kilometro.
Karagdagang 25 sentimos naman ang giit nila sa susunod na isang kilometro.
Binigyang diin ng mga nabanggit na petitioner na kapag naaprubahan ng LTFRB ang naturang dagdag pasahe, magiging P8.00 na ang minimum na pasahe sa mga jeep nationwide.
Kaugnay nito, binanggit pa ng mga transport leaders na isang malawakang motorcade ang gagawin ng transport groups ngayong araw na ito (April 6).
Binanggit ng mga ito na lugi na ang transport groups dahil sa buwan pa lamang ng Marso ay tatlong ulit nang nagtaas ang halaga ng produktong petrolyo gayung hindi naman sila nagtataas ng pasahe. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am