^

Metro

2 patay sa amok

-
Nabaril at napatay ng isang pulis ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na nag-amok at nakapatay na ng isa, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang suspect ay tinatayang nasa gulang na 32, may taas na 5’3 talampakan, may hikaw sa kanang tenga at nakasuot ng maong pants. puting t-shirt at itim na sapatos.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa kanto ng CM Recto Avenue at Juan Luna St., Tondo kung saan nagpapatrulya si PO1 Joseph Kiskis, ng WPD Station 2.

Sinabi ni Kiskis na may humingi ng tulong sa kanya ukol sa nagaganap na kaguluhan. Sa kanyang pagresponde, dito nito nakita ang duguan at nakahandusay ang biktimang si Margie Sayson, 28, habang hawak pa ng suspect ang isang patalim na ginamit nito sa pananaksak at patuloy na naghahabol ng mga tao.

Hinarap ng pulis ang suspect at hinimok na huminahon, gayunman hindi ito nakinig at ambang siya ang susugurin ng saksak.

Pasugod na ito sa pulis kaya napilitan si PO1 Kiskis na paputukan ito ng baril na naging dahilan ng kamatayan nito. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

HINARAP

JOSEPH KISKIS

JUAN LUNA ST.

KISKIS

MARGIE SAYSON

MAYNILA

NABARIL

PASUGOD

RECTO AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with