'Thrill killer' ng Maynila nasabat
April 5, 2005 | 12:00am
Nadakip ng mga tauhan ng Western Police District (WPD) ang isang lalaki na tinaguriang thrill killer dahil sa magkasunod na pagpaslang nito sa dalawang lalaki sa lungsod ng Maynila.
Nakilala ang nadakip na suspect na si Domingo Almuete Jr., alyas Jojo, 35, pedicab driver at residente ng Onyx St., San Andres Bukid, Maynila.
Ito ang itinuturong nanaksak at nakapatay sa mga biktimang sina Bryan Dapidran, 19 at Jimmy Nardo, 19.
Sa ulat ng pulisya nadakip ang suspect dakong alas-9:30 kamakalawa ng gabi sa harap ng bahay nito.
Nabatid pa sa rekord ng pulisya na unang naging biktima ng suspect si Dapidran habang naghihintay ang huli ng masasakyan sa may South Super Highway, San Andres Bukid.
Matapos ang 15 minuto bigla rin nitong sinaksak si Nardo habang nakikipagkuwentuhan ito sa kanyang kapatid at mga kaibigan sa gilid ng isang nakaparadang jeepney. Agad na nasawi ang dalawang biktima dahil sa natamong mga saksak sa katawan.
Mabilis na nagtago ang suspect kung saan nagsagawa naman ng manhunt operation ang pulisya laban sa kanya.
Maaaring inisip ng suspect na malamig na ang kanyang kaso kaya umuwi ito sa kanilang bahay na doon ito nadakip ng mga awtoridad. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest