^

Metro

Bading todas sa suntok ng lover

-
Isang umano’y bading ang nasawi matapos bigyan ng mala-Manny Pacquiao na suntok sa mukha ng isang 15-anyos na lover nito matapos ang mainitang pagtatalong naganap kamakalawa sa lungsod ng Malabon.

Dead-on-arrival sa Pagamutang Bayan ng Malabon dahil sa pinsalang natamo nito sa ulo at katawan ang biktimang nakilalang si Rodolfo Cruz, negosyante ng Jacinto st., Concepcion ng lungsod.

Agad namang nadakip ng mga awtoridad ang suspect na itinago sa pangalang Calvin, out of school youth, ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa tahanan ng biktima na matatagpuan sa Dulong Herra st., Ibaba, Malabon.

Sinasabing nagkaroon ng ‘lover’s quarrel’ sa pagitan ng biktima at suspect hanggang sa humantong sa matinding komprontasyon kung saan binigyan ng suspek ang biktima ng malakas na suntok sa mukha at katawan hanggang sa mawalan ito ng malay.

Inakala ng suspect na nawalan lang ng malay ang biktima, kaya balewala itong lumabas ng bahay. Ang hindi niya alam ay nasawi ang kanyang kinakasama.

Nagtangka pang tumakas ang suspect subalit nakorner na ito ng mga tauhan ng pulisya. (Ulat ni Ricky Tulipat)

vuukle comment

AYON

CONCEPCION

DULONG HERRA

IBABA

INAKALA

MALABON

PAGAMUTANG BAYAN

RICKY TULIPAT

RODOLFO CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with