^

Metro

2 batang magkapatid, kinatay ng ama

- Rose Tamayo-Tesoro -
Masaklap ang naging kamatayan ng dalawang magkapatid na batang babae sa kamay ng sarili nilang ama matapos na ibalibag, saksakin at laslasin pa ang leeg ng mga ito nang maburyong ang huli dahilan sa pagkakatanggal sa trabaho sa Malabon City kahapon ng umaga.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang mga biktimang sina Rubylyn Temprosa, 4-anyos at kapatid nitong si Roseby, 3 taong gulang; pawang residente ng Almario Pilapit St., Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.

Bagsak kalaboso naman at nahaharap sa kasong double parricide ang suspect na si Ruben Temprosa, 48-anyos, ama ng mga biktima at residente din ng nabanggit na lugar.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Bobby Esguerra, may hawak ng kaso, dakong alas-6:30 ng umaga ng maganap ang insidente sa loob ng bahay ng pamilya Temprosa.

Ayon sa salaysay ng asawa ng suspect na si Vilma Roda, bago naganap ang insidente ay nagpatimpla pa ng kape ang kaniyang mister at laking gulat niya nang sa kaniyang pagbalik ay makitang binitbit ng suspect sa paa ang mga bata na kapwa mahimbing pang natutulog at ibinalibag sa sahig.

Nagtatakbong humingi ng tulong ang ginang sa barangay matapos nitong di maawat ang suspect sa pananakit sa mga bata pero sa kanyang pagbalik kasama ang mga barangay tanod ay bumulaga sa kanila ang wala ng buhay na mga biktima na kapwa tadtad ng saksak sa katawan at laslas ang mga leeg.

Nang hanapin ng mga barangay tanod ang suspect ay nakita nila itong nakatulala pa rin habang hawak ang patalim na ginamit sa pagpatay sa dalawang paslit na anak.

Nabatid pa sa ginang na bago ang insidente ay natanggal ang kanyang asawa sa pinagtatrabahuhan nitong construction site hanggang sa mapansin niyang palaging nakatulala at nagsasalitang mag-isa ang kanyang mister na nagsasabing may nakikitang mga duwendeng itim hanggang sa maganap ang karumal-dumal na krimen.

ALMARIO PILAPIT ST.

AYON

BAGSAK

BOBBY ESGUERRA

BRGY

MALABON CITY

RUBEN TEMPROSA

RUBYLYN TEMPROSA

VILMA RODA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with