^

Metro

ASG sa Bicutan jail,nadagdagan

-
Panibagong sakit ng ulo ang haharapin ngayon ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) makaraang ilipat ang 13 death convicts na miyembro ng Abu Sayyaf sa bilangguan ng Camp Bagong Diwa para sa pagdinig ng kanilang mga panibagong kaso na nakasampa sa Manila at Pasig City Regional Trial Court (RTC).

Sa bisa ng kautusan ng Korte Suprema, inatasan nito ang pamunuan ng New Bilibid Prison (NBP) na ilipat ang 13 ASG death convicts sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.

Noong Lunes isinagawa ang paglilipat kung kaya’t tripleng paghihigpit ng seguridad ngayon ang ipinatutupad sa naturang piitan.

Nabatid na ang 13 convicts ay nakahiwalay ng kulungan at hindi sila isinama sa natitira pang 107 ASG na pawang sangkot sa nakaraang Camp Bagong Diwa siege.

Gayunman, hindi isinama sa inilipat ang ASG leader na si Hector Janjalani at tatlo pang terorista na hindi binanggit ang pangalan. Ang mga ito ay nananatili sa maximum security compound ng NBP sa Muntinlupa City.

Layunin ng hakbangin ng Korte Suprema ay para umano sa mga gagawing pagdalo ng mga ito sa pagdinig sa panibagong kasong kanilang kinakaharap, kabilang dito ang kidnapping at multiple murder. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ABU SAYYAF

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CAMP BAGONG DIWA

HECTOR JANJALANI

KORTE SUPREMA

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISON

NOONG LUNES

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with