^

Metro

Naaktuhang nanghoholdap, todas sa parak

-
Patay ang isang kilabot na holdaper, habang nadakip ang isa pang kasamahan nito matapos na maagap na makapag-responde ang dalawang patrol police matapos ang ginawa nilang panghoholdap sa pasahero ng isang taxi, kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot nang buhay sa Gat. Andres Bonifacio Hospital ang nasawing holdaper na si Michael Herrera, 22, binata miyembro ng Sigue-sigue Commando Gang at residente ng Gate 10 Area B, Parola Compound, Tondo.

Nadakip naman ang 16-anyos na kasabwat nito na itinago sa pangalang Boy habang pinaghahanap ang isa pa nilang kasamahan na nagawang makatakas.

Sa ulat ng WPD-Homicide Division, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon sa kahabaan ng MICP Road Gate 10, Parola, Tondo na doon dumadaan ang Christian Taxi na minamaneho ni Rogelio Lipata at sakay ang biktimang si Gladys Llanes, 28, ng Makati City.

Pinara ng suspect na si Herrera na armado ng kalibre .38 baril ang taxi habang puwersahang binuksan naman ng dalawang kasabwat nito ang mga pinto. Dito na hinablot ng suspect ang bag ni Llanes na noon ay nabigla at nagsisigaw.

Nakatawag atensyon naman sa mga pulis na sina PO2 Joel Sta. Maria at PO1 Contrado Juano Jr. ng Beat Patrol unit at agad na rumesponde sa holdapan. Akmang itututok ni Herrera ang baril nito nang unahan siyang paputukan ni Sta. Maria kung saan tinamaan ito sa kaliwang kilikili na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Nadakip ang isa pang kasabwat na si Boy, habang nakatakas ang isa pang kasama bitbit ang bag ng biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

AREA B

BEAT PATROL

CHRISTIAN TAXI

COMMANDO GANG

CONTRADO JUANO JR.

DANILO GARCIA

GLADYS LLANES

HERRERA

HOMICIDE DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with