Ayon kay Clemente San Gabriel, chief ng Manila Sanitation Dept., ang miracle sugar o magic sugar ay isang artificial sweetener na mayroong halong chemical o carcinogenic substance o maaaring makapagdulot ng kanser sa katawan ng tao.
Ang itsura nito ay isang crystalized substance na nakalagay sa isang sachet at mabibili sa mga tindahan sa Quiapo. Ang ilan ay branded tulad ng Neotegen at imported mula sa Indonesia subalit ang iba ay walang food registration mula sa Bureau of Foods and Drugs.
Paliwanag pa ni San Gabriel, ang magic sugar ay juice o palamig upang hindi magastos sa tunay na asukal dahil sa konting paghalo lamang nito ay maaaring mapatamis ang isang litrong tubig.
Nabatid na noon pang 1997 sumulpot ang naturang pekeng asukal subalit kaagad din itong nawala hanggang sa muli na naman itong sumulpot sa Maynila. (Ulat ni Gemma Amargo-Garcia)