^

Metro

Publiko pinag-iingat sa ‘miracle sugar’

-
Pinag-iingat ng Manila Health Department ang publiko sa pagbili at pag-inom ng mga palamig at buko juice sa kalsada. Ito ay matapos na mabunyag ang pagsulpot ng ‘magic sugar’ o ‘miracle sugar’ na mayroong kemikal na maaaring magdulot ng kanser sa katawan ng taong makakainom nito.

Ayon kay Clemente San Gabriel, chief ng Manila Sanitation Dept., ang ‘miracle sugar’ o ‘magic sugar’ ay isang artificial sweetener na mayroong halong chemical o carcinogenic substance o maaaring makapagdulot ng kanser sa katawan ng tao.

Ang itsura nito ay isang crystalized substance na nakalagay sa isang sachet at mabibili sa mga tindahan sa Quiapo. Ang ilan ay branded tulad ng Neotegen at imported mula sa Indonesia subalit ang iba ay walang food registration mula sa Bureau of Foods and Drugs.

Paliwanag pa ni San Gabriel, ang magic sugar ay juice o palamig upang hindi magastos sa tunay na asukal dahil sa konting paghalo lamang nito ay maaaring mapatamis ang isang litrong tubig.

Nabatid na noon pang 1997 sumulpot ang naturang pekeng asukal subalit kaagad din itong nawala hanggang sa muli na naman itong sumulpot sa Maynila. (Ulat ni Gemma Amargo-Garcia)

AYON

CLEMENTE SAN GABRIEL

GEMMA AMARGO-GARCIA

MANILA HEALTH DEPARTMENT

MANILA SANITATION DEPT

MAYNILA

NABATID

NEOTEGEN

SAN GABRIEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with