^

Metro

Bangkay ng babae, itinapon sa balon

-
Sinisiyasat pa ngayon ng pulisya kung ginahasa at paano pinatay ang isang babae na natagpuan ang bangkay at inilagay sa loob ng isang balon sa Taguig City, kahapon ng hapon.

Sa sketchy report na natanggap ng Police Community Precint 7 ng Taguig Police, kinilala lamang ang biktima sa pangalang Rose.

Samantala, blanko pa rin hanggang sa ngayon ang pulisya kung sino ang responsable sa pagpaslang sa biktima.

Sa inisyal na ulat, dakong ala-1:40 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ni Rose sa loob ng isang balon sa Mini Park, Fort Bonifacio, Brgy. Western Bicutan, Taguig City.

Inaalam pa kung biktima ito ng panghahalay at kung paano ito pinatay bagamat may palatandaan ito ng mga pasa sa katawan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

FORT BONIFACIO

INAALAM

LORDETH BONILLA

MINI PARK

POLICE COMMUNITY PRECINT

SAMANTALA

TAGUIG CITY

TAGUIG POLICE

WESTERN BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with