Vendor kinatay ng lover
March 29, 2005 | 12:00am
Pinagsasaksak at napatay ang isang babaeng vendor ng kanyang ka-live in matapos na madiskubre ng huli na may iba ng kinakasama ang una, kahapon ng umaga sa Quezon City.
Hindi na umabot ng buhay sa Quirino Memorial Medical Center sanhi ng limang saksak sa katawan si Delia Canete, 45, ng 7071 Ampalaya St., Tumana, Marikina City.
Arestado naman ang suspect na si Vicente Palumpon, 65, isa ring vendor.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng umaga ng maganap ang insidente sa Aurora Boulevard sa kanto ng Katipunan Avenue, Project 4, Quezon City.
Bago ang insidente, nabatid na humingi ng P6,000 ang biktima sa kanyang ka-live in na si Palumpon at sinabing gagamitan sa pagtitinda at nang bigyan ay hindi na bumalik ng kanilang bahay si Canete anim na araw na ang nakakalipas.
Nakatanggap ng impormasyon ang suspect na may iba ng lalaki na kinakasama ang biktima at kung saan ito makikita.
Dahil dito, inabangan ng suspect ang biktima at nang matiyempuhan ay agad na pinagsasaksak.
Matapos ang isinagawang krimen mabilis na tumakas ang suspect subalit nadakip din ng mga awtoridad sa isinagawang follow-up operation. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended