^

Metro

Misteryo sa Lagro fire lumalalim

-
Lumalalim ang misteryo sa naganap na sunog sa Lagro, Quezon City kung saan nasawi ang isang mag-asawa kasama ang dalawa nilang anak na babae, makaraang hanggang kahapon ay hindi pa rin nakikita ang kanilang panganay na nakitang tumatakbo papalayo sa kanilang bahay ilang minuto bago ito tuluyang sumiklab, noong madaling araw ng Sabado.

Ayon kay Chief Inspector Oscar Villegas, Quezon City fire chief na nananatiling hinahanap ng mga imbestigador si Ryan Cadiao, ang panganay na anak ng nasawing mag-asawang sina Atty. Raymond Cadiao at Charito, para magbigay linaw sa naganap na sunog sa kanilang bahay sa Block 88 Lot 34 Domingo de Flores St., Lagro, Novaliches, Quezon City.

Nasawi rin sa sunog ang dalawang anak na babae ng Cadiao couple na sina Charina, isang architect at Carmel, isang pre law student.

Maging ang mga opisyal sa barangay ay nabigong makita si Ryan na inilarawan nilang may taas na 5’10 talampakan at isang mountain climber.

"Hindi suspect si Ryan, nais lang namin makuha ang kanyang pahayag kung ano ang nangyari noong gabing maganap ang sunog", pahayag pa ni Villegas.

Ayon pa kay Villegas na sakaling mabatid ng mga imbestigador na may naganap na ‘foul play’ sa insidente ay agad silang maghaharap ng kaukulang kaso.

Samantala, ayon naman kay Elvis Hortilano, Lagro barangay executive officers na habang nagsisimula ang usok nakarinig ang ilang barangay tanod ng ‘hissing sound’ na parang nagmumula buhat sa LPG tank sa loob ng bahay ng pamilya Cadiao kasunod ang malakas na pagsabog na siyang nagsanhi sa pagkalat ng apoy sa buong kabahayan.

Nakarekober din ang mga imbestigador ang isang t-shirt malapit sa gate na pinaniniwalaang naiwan ni Ryan, subalit ayon sa ilang miyembro ng pamilya ang naturang t-shirt ay pag-aari ng kanilang ama.

Pinaniniwalaang nasa malapit na kabundukan si Ryan dahil na rin sa eksperto ito sa jungle survival.

Napag-alaman pa kay Renato Pabillar, tiyo ni Ryan na minsan na umano itong dinukot at tinorture ng mga armadong grupong pinaniniwalaang mga rebelde nang magsagawa itong ng mountain climbing expedition sa Sierra Madre ilang taon na ang nakakalipas.

Nagawa umano nitong makatakas sa kanyang captors gayunman, simula noon ay madalang na itong lumabas ng bahay.

"Mabait siya pero takot sa tao, siguro yon ang dahilan kung bakit siya tumakbo, may trauma siya", dagdag pa ni Pabillar.

Gayunman, ayon sa kanyang nakababatang kapatid na si Reginald, problema umano sa pamilya si Ryan. (Ulat ni Perseus Echeminada)

AYON

CADIAO

CHIEF INSPECTOR OSCAR VILLEGAS

ELVIS HORTILANO

FLORES ST.

LAGRO

PERSEUS ECHEMINADA

QUEZON CITY

RAYMOND CADIAO

RYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with