^

Metro

Mag-ama dinedo ni lolo

-
Namatay ang isang 30 anyos na lalaki at anak nito, makaraang pagbabarilin ng kanilang lolo kamakalawa ng gabi sa Pateros.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Salvador Bulalacao matapos na magtamo ng tama ng bala ng baril ng 9mm habang namatay habang ginagamot sa ospital ang anak nito na si Ma. Eliza, 4.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspect na si Francisco Agob na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Lumilitaw sa report ng pulisya na naganap ang insidente dakong alas-7:45 ng gabi sa #67 Q.M. Lozada St. Brgy. Santo Rosario nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sina Bulalacao at Agob.

Sa matinding galit ng suspect agad nitong kinuha ang kanyang 9mm na baril at walang sabi-sabing pinaputukan ang mga biktima.

Inaalam pa rin ng pulisya ang motibo ng pamamaslang.

Samantala, isa ring binata ang nasawi nang barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspect kamakalawa sa Muntinlupa City.

Idineklarang dead-on- arrival sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Gregorio Labasan ng #130 Int. Purok II, Brgy. Cupang sanhi ng tama ng bala ng baril sa ulo.

Nabatid na dakong alas-8:30 ng gabi ng mangyari ang insidente habang naglalakad pauwi ang biktima.

Nakasalubong ng biktima ang suspect hanggang sa bigla na lamang itong paputukan ng huli ang una.

Posible umanong may galit ang suspect sa biktima at nakakuha ng pagkakataon upang makaganti. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AGOB

BRGY

FRANCISCO AGOB

GREGORIO LABASAN

LORDETH BONILLA

LOZADA ST. BRGY

MUNTINLUPA CITY

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

SALVADOR BULALACAO

SANTO ROSARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with