Pamilya nalitson:Mag-asawa, 2 anak ubos sa QC fire
March 27, 2005 | 12:00am
Isang mag-asawang abogado at dalawang anak nito ang namatay samantalang sugatan naman ang isa pa at nawawala ang bunsong anak ng mga ito nang sumiklab ang sunog sa kanilang bahay kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Nakilala ang mga nasawi na sina Atty. Raymundo Cadiao, 55, asawang si Atty. Charito at mga anak na sina Charina, 22, at Carmel, 21.
Kasalukuyan namang ginagamot sa Fairview General Hospital ang isa pang anak na si Charlot na nagtamo ng 1st degree burn habang nawawala ang isa pa na kinilalang si Ryan.
Batay sa inisyal report ni SFO3 Mike Flores ng Quezon City Fire Department, dakong alas-3:25 ng madaling-araw nang maganap ang sunog sa mismong bahay ng mga biktima sa Blk. 88 Lot 34 Domingo de Ramos St. Lagro, Novaliches, nasabi ring lungsod.
Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog subalit agad din naman itong naapula bago pa man kumalat sa katabing bahay.
Umabot sa 1st alarm ang sunog at idineklarang fire-out dakong alas-4:06 ng umaga.
Samantala, dakong ala-1 din ng madaling-araw nang masunog ang may 300 kabahayan sa squatters area sa may Philcoa, Commonwealth Ave. sa Quezon City.
Bagamat umabot sa limang oras ang sunog, wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa sunog.
Tinatayang umaabot sa 1,000 pamilya ang iniulat na nawalan ng tirahan. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended