^

Metro

Kaalyado raw ng grupo ni Dennis Roldan: 5 miyembro ng carnap gang, timbog

-
Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Central Police District-Anti Carnapping Unit ang limang miyembro ng carnapping syndicate na hinihinalang kaalyado ng grupo ni dating Congressman at aktor na si Dennis Roldan, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Sa ulat ni Senior Supt. Cesar Tanagan kay CPD director Chief Supt. Nicasio Radovan, nakilala ang mga nadakip na suspect na sina Ricky Boy Pagdanganan, 26, car painter; Arthur Carlos, 34; Arman Padilla, 30; Antonio Garcia, 35 at Carlito Torres, 37,pawang naninirahan sa Purok 5 Capalangan, Apalit Pampanga.

Batay sa ulat ng CPD-ANCAR, dakong ala-1 ng madaling-araw nang madaanan ng mobile car No. 27 at 29 ang kinarnap na Toyota Vios na may plakang XNG-919 sa Mahiyaion St. corner Maningning, Brgy. Teachers Village, Quezon City.

Nahuli sa aktong nakasakay na sina Pagdanganan at Carlos habang ang tatlo pang kasamahan nito ay nakasakay naman sa isang Toyota Corolla na may plakang TBP-411 na get-away car ng mga ito.

Si Ricky Boy ay kapatid ni Albert Pagdanganan na una ng naaresto kasama ni Roldan dahil sa kasong kidnapping.

Bukod sa kanila nadakip din sina East Kamias Brgy. Captain Octavio Garces, Rowena Prado, alyas Weng at Noel San Andres.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin kung may koneksyon ang mga nadakip sa grupo ni Roldan. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ALBERT PAGDANGANAN

ANTONIO GARCIA

APALIT PAMPANGA

ARMAN PADILLA

ARTHUR CARLOS

CAPTAIN OCTAVIO GARCES

CARLITO TORRES

CENTRAL POLICE DISTRICT-ANTI CARNAPPING UNIT

CESAR TANAGAN

CHIEF SUPT

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with