Mister naburyong, bahay sinunog
March 22, 2005 | 12:00am
Kalaboso ang isang mister nang sunugin nito ang kanilang sariling bahay makaraang mag-away silang mag-asawa dahil lamang sa pera, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Bukod sa tinamong 2nd degree burn sa kanyang magkabilang binti at kaliwang braso ay nahaharap pa sa kasong paglabag sa PD 1630 (violation of anti-arson law) si Efren Rosatace ng Caimito St., San Vicente Ferrer, Area D Camarin ng nasabing lungsod.
Ayon kay SFO3 Alexander Marquez, arson investigator, dakong alas-6 ng gabi nang sunugin ng suspect ang tahanan gamit ang isang litro ng gasolina.
Bago ang insidente, napag-alaman na nagtatalo ang suspect at asawa nito dahil sa kakapusan sa pera.
Upang matigil ang pagtatalo ay lumabas ng bahay ang suspect at nagtuloy sa isang tindahan bago bumili ng isang litrong gasolina.
Pagbalik nito ng bahay ay walang sabi-sabing binuhusan ng gasolina ang kabuuan ng bahay at hindi nito napansin na natalsikan ang kanyang dalawang binti at saka bigla nagsindi ng lighter.
Mabilis na nagliyab ang bahay at nadamay ang binti ng suspect na mabilis na nagtatakbo palabas ng bahay at humingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay.
Agad namang pinagtulungang apulain ng kanyang mga kapitbahay ang apoy at maging ang nasusunog na binti ni Rosatace.
Walang namang nadamay na ibang kabahayan sa ginawang panununog ng suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended