^

Metro

CHED-NCR Dir., 1 pa kinasuhan sa Ombudsman

-
Sinampahan ng kasong grave abuse of authority sa Office of the Ombudsman ang director ng Commission on Higher Education-National Capital Region (CHED-NCR) na si Amelia Biglete at supervisor na si Ofelia Mabitasan hinggil sa umano’y pang-aabuso ng mga ito sa kanilang tungkulin.

Batay sa reklamo ni Ofelia Sanchez, professional registered nurse, bukod sa nasabing kaso inirereklamo din niya ng kasong dereliction of duty at conduct of unbecoming of a public servant ang dalawa kasabay ng kahilingan nito na imbestigahan si Biglete bunga ng pagbibigay nito ng ‘recognition to operate’ ng BSN program sa Southeast Asian College na dating UDMC.

Ayon sa affidavit ni Sanchez, pinapayagan umano ni Biglete na magbukas ng kurso ang paaralan subalit kinakailangan umanong may rekomendasyon mula sa kanya ang magiging administrador o dean kahit hindi kuwalipikado.

Iginiit ni Sanchez na diniskuwalipika siya ni Biglete upang maging dean sa Colegio De San Lorenzo at NOVAGEN College sa Quezon City nang sila ay mag-apply para sa inisyal na permit para sa nursing program.

Aniya, sa kabila ng kanyang karanasan sa pagtuturo at supervisory experience, sinasabi ni Biglete na wala naman siyang karanasan sa pagtuturo sa college of nursing.

Nabatid kay Sanchez na may kautusan si Biglete na kanyang mga recruit lamang ang maaaring makapasok sa Institute o College of Nursing. (Ulat ni Doris Franche)

AMELIA BIGLETE

BIGLETE

COLEGIO DE SAN LORENZO

COLLEGE OF NURSING

DORIS FRANCHE

HIGHER EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION

OFELIA MABITASAN

OFELIA SANCHEZ

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

QUEZON CITY

SANCHEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with