^

Metro

3 patay, 4 sugatan sa aksidente

-
Tatlo katao ang namatay samantalang apat naman ang nasa malubhang kalagayan matapos na maaksidente ang mga ito sa magkakahiwalay na insidente sa Quezon City at Taguig.

Kapwa dead on the spot ang mga biktimang sina Wilfredo Chua y Mangbanag ng 3465-M Araullo St. Bacood, Sta. Mesa, Maynila at Milagros Lolong ng No. 5 Tindalo St. Feria Road, Brgy. Old Balara, Q.C.

Agad namang dinala sa Malvar General Hospital ang mga sugatang sina Jeenilyn Alba, 27; Ronaldo Esmale, 19 at Jeanalyn Tomaneng, 22.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Edgardo Talacay ng CPD-Traffic Sector 5, dakong alas-8:30 kamakalawa ng gabi nang maaksidente si Chua sa harap ng Precious Hardware and Construction Supply sa Brgy. Holy Spirit.

Hindi nito napansin ang ginagawang kalsada at sumadsad ang sinasakyang scooter hanggang sa mawalan ng balanse at tumilapon.

Samantala, nahagip naman si Lolong ng isang owner type jeep na minamaneho ni Victor Alba, Jr. 27, kasama ang isang Jennifer Monastrial, 36.

Nabatid na dakong alas-2:30 ng hapon nang papatawid si Lolong kasama ang tatlo pang mga biktima nang mahagip sa Feria Road ni Alba na patungong Fairview. Dinala naman sa pagamutan ang mga biktima.

Kakasuhan naman ng reckless imprudence resulting to homicide at reckless imprudence resulting to multiple physical injuries sina Alba at Monastrial.

Namatay din si Jessie Albama, 27, ng Wildcat Village, Brgy. Western Bicutan habang sugatan naman ang nakasagasa dito na si Diana Caballero, 26, sales representative.

Naganap ang insidente dakong alas-10:45 kamakalawa ng gabi sa C-5 Road, Pinagsama Village, Brgy. Western Bicutan.

Tinatahak ni Caballero ang kahabaan ng C-5 Road sakay ng kanyang Toyota Vios na may plakang XRH-792 nang bigla umanong tumawid ang biktima at hindi naman nakontrol ng suspect ang preno. (Ulat nina Doris Franche At Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

DIANA CABALLERO

DORIS FRANCHE AT LORDETH BONILLA

EDGARDO TALACAY

FERIA ROAD

HOLY SPIRIT

JEANALYN TOMANENG

JEENILYN ALBA

JENNIFER MONASTRIAL

WESTERN BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with