Drug pusher natimbog
March 20, 2005 | 12:00am
Nadakip ng mga tauhan ng Central Police District (CPD) sa lalawigan ng Pangasinan ang isang kilabot na drug pusher sa Quezon City.
Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni QCRTC Judge Demetrio Macapagal, Sr. naaresto si Zaldy Espejon y Ferrer, may kaso ng paglabag sa Sec. 11 ng RA 9165.
Ayon kay CPD-Baler Police Station chief Supt. Raul Petrasanta may natanggap silang impormasyon na nagtatago sa San Carlos, Pangasinan si Espejon matapos na ito ay makatakas.
Agad na nagtungo noong Huwebes sina SPO2 Sozimo Poquiz at SPO1 Raul Catungal sa Balite Sur, San Carlos Pangasinan kung saan nakita ang akusado.
Sinabi ni Petrasanta na si Espejon ay isa sa mga notoryus na drug pusher na inirereklamo ng mga residente ng Roosevelt at del Monte Ave. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended