^

Metro

12-anyos na nene tiklo sa pambubugaw

-
Inaresto ng pulisya ang isang 12-anyos na batang babae makaraang maaktuhan itong ibinubugaw ang mga upahang babae, kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.

Ang dinakip na nene ay itinago sa pangalang Ana, out of school youth at residente ng Lamuan Brgy. Tumana ng nabanggit na lungsod. Ito ay hinuli dakong ala1:30 ng madaling-araw sa kahabaan ng River Banks, Brgy. Sta Elena ng nasabing lungsod matapos itong arestuhin ng pulisya nang maaktuhang kausap ang isang lalaking parokyano at ipinapakita ang mga litrato ng mga upahang babae.

Sa himpilan ng pulisya inamin naman ng bata ang kanyang pambubugaw kasabay nang pagsasabing wala siyang nakukuhang porsiyento sa kanyang mga ibinubugaw.

Libreng pagkain lamang umano ang kapalit ng kanyang ginagawang pambubugaw.

Si Ana ay nakatakdang dalhin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BRGY

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

EDWIN BALASA

INARESTO

LAMUAN BRGY

MARIKINA CITY

RIVER BANKS

SI ANA

STA ELENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with