^

Metro

Bomba nakuha sa Pasig at Taguig

-
Dalawang pampasabog ang natagpuan kahapon sa magkahiwalay na lugar sa Pasig City at Taguig, kahapon.

Sa Pasig, nakita ang isang improvised bomb sa mataong lugar sa San Miguel Avenue sa Ortigas Center 15th floor ng Octagon Bldg.

Sa inisyal na ulat, nakuha ang bomba sa loob ng isang comfort room dakong alas-4:30 ng hapon.

Agad na humingi ng tulong sa pulisya ang nakakitang janitor at mabilis namang rumesponde ang mga tauhan ng Explosive Ordinance Division ng Eastern Police District at makalipas ang 30 minuto ay matagumpay na na-diffuse ang bomba.

Sa panayam naman kay National Capital Region Police Office Chief Avelino Razon Jr., sinabi nito na ang pagkakatagpo sa nasabing bomba sa Ortigas ay walang kinalaman sa pagganti ng mga Abu Sayyaf sa pagkamatay ng kanilang mga kasamahan sa ginawang assault sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Samantala, isa ring home-made na pampasabog ang nakuha ng mga awtoridad na nakalagay sa isang bote ng Yakult sa Taguig City.

Sa sketchy report ng pulisya, dakong alas-11:30 ng tanghali nang matagpuan ang isang home-made na pampasabog sa bandang likuran ng PLDT Line Box, panulukan ng Maharlika Road at Mindanao Avenue, Barangay Maharlika Village, Taguig.

Dahil dito, kaagad na rumesponde ang mga kagawad ng Explosive Division (EOD-SWAT), Taguig City Police sa nabanggit na lugar.

Kung saan positibong isang home-made na bomba na nakalagay sa bote ng Yakult ang narekober. Magugunitang naka-alerto ang mga awtoridad sa bantang pagganti ng ASG sa mga napatay nilang kasamahan sa Bicutan jail. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Edwin Balasa)

ABU SAYYAF

BARANGAY MAHARLIKA VILLAGE

CAMP BAGONG DIWA

EASTERN POLICE DISTRICT

EDWIN BALASA

EXPLOSIVE DIVISION

EXPLOSIVE ORDINANCE DIVISION

LINE BOX

LORDETH BONILLA

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with