^

Metro

14 estudyante 'nalason' sa dessert

-
Nauwi sa sakuna ang isinagawang graduation ball makaraang 14 na graduating students sa posh private school sa Muntinlupa ang na-ospital dahil sa kinaing dessert sa naturang party, kamakalawa.

Ayon sa ulat buhat sa City Health Office na karamihan sa mga na-ospital na mag-aaral ng De La Salle Santiago Zobel School sa Alabang ay isinugod sa Asian Hospital and Medical Center matapos makitaan ng sintomas ng gastroenteritis.

Ayon naman sa school physician, na dalawa lamang sa naapektuhang mag-aaral ang nagtungo sa kanilang klinika at idinaing ang pagsakit ng tiyan.

Ayon sa doktor, naganap ang naturang insidente sa graduation ball sa Palm Country Club sa Filinvest Subdivision. Karamihan umano sa naapektuhang mag-aaral ay nasa edad 13.

Pinaniniwalaang sa mango at strawberry crepes na inihain sa party nakuha ang naturang disease.

Hanggang kahapon, sinasabing idineklara nang out of danger ang mga mag-aaral.

Gayunman, magsasagawa pa rin ng masusing imbestigasyon ang pulisya ukol sa pangyayari. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Edu Punay)

vuukle comment

ALABANG

ASIAN HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

AYON

CITY HEALTH OFFICE

DE LA SALLE SANTIAGO ZOBEL SCHOOL

EDU PUNAY

FILINVEST SUBDIVISION

GAYUNMAN

LORDETH BONILLA

PALM COUNTRY CLUB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with