1 pang preso sa Manila City Jail natodas
March 17, 2005 | 12:00am
Isa na namang bilanggo sa mala-sardinas na Manila City jail ang nasawi dahil sa hindi pa mabatid na karamdaman, kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Manila.
Nakilala ang nasawi na si Alfredo Galang, 29. Nabatid na nahaharap ito sa kasong pagtutulak ng droga sa Manila Regional Trial Court Branch 2.
Nabatid na iniulat ng kanyang mga kasamahang preso sa cell no. 1 sa mga jailguard ang pagbagsak sa semento ng biktima. Una rito ay nagreklamo ng pananakit ng dibdib hanggang sa hindi na makahinga si Galang.
Agad namang dinala ng mga opisyales ng City Jail ang biktima sa infirmary ngunit lumubha ang kalagayan nito. Isinugod naman agad ito sa Jose Reyes Memorial Medical Center ngunit hindi na umabot ng buhay.
Sa eksaminasyon ng mga manggagamot, walang anumang marka na sinadyang patayin si Galang ngunit nadiskubre na may mga kulay asul na marka ito sa ibat ibang bahagi ng katawan na maaaring buhat sa isang karamdaman.
Inireklamo naman ng mga preso ang sobrang pagsisiksikan nila kung saan maging sa sahig ay hindi na sila magkasya ng paghiga at natutulog na lamang ang iba nang paupo. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am