^

Metro

Bolt-cutter gang sumalakay sa QC

-
Umaabot sa P100,000 halaga ng mga paninda ang nakulimbat ng mga pinaniniwalaang miyembro ng Bolt-cutter gang nang wasakin ng mga ito ang bubungan at kandado ng isang hardware, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa naturang kaso matapos na magharap ng reklamo ang negosyateng si Fita Guiterrez, 66.

Batay sa paunang pagsisiyasat ng pulisya, tinatayang nasa pagitan ng ala-1 hanggang alas-3 ng madaling-araw nang pasukin ng mga hindi pa nakikilalang suspect ang GS Hardware na pag-aari ni Gutierrez na nasa kanto ng Aurora Boulevard at 15th Avenue sa Brgy. Silangan ng nasabing lungsod.

Binaklas umano ng mga kawatan ang mga pako sa bubungan at winasak pa ang limang kandado ng hardware sa pamamagitan ng bolt-cutter.

Nang makapasok sa hardware, malayang nilimas ng mga magnanakaw ang mga paninda na umaabot sa halagang P100,000. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AURORA BOULEVARD

BATAY

BINAKLAS

BRGY

DORIS FRANCHE

FITA GUITERREZ

NAGSASAGAWA

NANG

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with