AFP/PNP alerto sa pagganti ng Sayyaf
March 16, 2005 | 12:00am
Nakahanda ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) laban sa bantang paglulunsad ng sympathy attacks at paghihiganti ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na posibleng magsagawa ng mga pambobomba sa Metro Manila at iba pang mga lugar sa bansa kabilang na sa mga balwarte nilang teritoryo sa Mindanao Region.
Ito ang inihayag kahapon ni AFP-Public Information Office Lt. Col. Buenaventura Pascual kasunod ng banta ni Abu Sayyaf self-proclaimed spokesman Abu Solaiman na dadalhin nila ang giyera sa Metro Manila dahil sa pagpatay sa mga top leaders ng kanilang grupo sa isinagawang assault sa Camp Bagong Diwa.
Nabatid na bago napaslang ang negosyador ng mga bandido na si Abdul Ganit Husim alyas Ka Lando ay nagbanta pa itong sa sandaling i-assault ng mga commandos ng PNP-Special Action Force (PNP-SAF) at Regional Special Action Unit ang gusali ng bilangguan na kanilang kinaroroonan ay maraming mga pagsabog ang magaganap sa Metro Manila at iba pang mga lugar.
Sinabi ni Pascual na nasa istilo na ng mga bandido ang maghiganti at magsagawa ng sympathy attacks kapag napupuntusan ang naturang grupo ng tropa ng gobyerno, partikular na kapag napapatay ang kanilang mga pinuno.
Sa kasalukuyan ay may sinasabing may 10 pang Abu Sayyaf bomb expert ang nagtatago lamang sa Metro Manila at may planong maghasik ng pambobomba.
Samantala, tiniyak kahapon ng isang mataas na opisyal ng Muslim community sa Quiapo, Maynila na hindi sila magsasagawa ng anumang marahas na aksyon laban sa pamahalaan bilang pagganti sa pagkapaslang sa may 23 miyembro ng Abu Sayyaf sa hostage crisis sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig.
Sinabi ni Datu Amerol Ambiong, chairman ng Metro Manila Muslim Peace and Order Council na walang dapat na ipag-alala ang pulisya sa posibilidad na pagganti ng kanilang mga kapatid na Muslim dahil sa kontrolado nila ang mga ito at hindi naman sila nahahaluan ng mga terorista.
Ipinasakamay na rin umano nila kay Allah ang kinahinatnan ng 23 miyembro ng ASG kabilang ang apat nilang lider.
Nakipagpulong si Ambiong kay WPD director Chief Supt. Pedro Bulaong kung saan sinabi niya na naiintindihan niya ang ginawang aksyon ng pulisya sa pagsalakay sa mga terorista.
Ayon dito, ginawa naman ng pulisya ang kanilang makakaya para sa maayos na negosasyon sa pagsuko ng mga ito ngunit nanatiling matigas ang paninindigan ng mga terorista na nagresulta sa madugong bakbakan. (Ulat nina Joy Cantos at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest